23 LESSONS


Lesson 1

(batay sa pagtuturo ng 23 Lessons sa TULIP 
noong June 8, 2014 sa Bastion of 
Truth Reformed Church in Batasan)

"Ano nga ba ang Ebanghelyo?"


Maaaring ito ang namutawing tanong ng 
bawat miyembro sa Iglesiya ng Bastion of 
Truth Reformed Church in Batasan matapos 
marinig ang Lesson 1 ng 23 Lessons sa TULIP. 
Kung maaari nga taon taon ay ulitin ang 23 
Lesson sapagkat ito lamang ang nagsisilbing 
matatag na batayan ng pananampalataya ng isang hinirang.

Binuksan din ang pagkakataon para  
makapagtanong (question and answer) 
 ang mga opisyal na miyembro ng BTRC Batasan
Ngunit walang nagtanong sapagkat malinaw na 
naipaliwanag ni Pastor Christian Alayon 
ang Lesson 1. Malinaw na may nagiisa at 
tanging mahalaga lamang, ano yun?  
Ito ay ang Ebanghelyo. 
Ano nga ba ito? Yan ang dapat nating 
abangan sa pagpapatuloy ng pagaaral natin sa Ebanghelyo.

Mahalaga ang edukasyon para 

sa iba kaya nga sila'y nagsusunog ng 
kilay hanggang sila ay matawag na doktor 
sa kanilang larangan. 
Ang iba ay sa ibang bansa pa nagaaral 
para pagibayuhin ang kanilang mga pagaaral
Ngunit alam naman natin na walang 
katapusan ang pagaaral. 
Pero ito ay mahalaga batay sa panlupang pamantayan. 
Ngunit ang Biblia ay 
nagpapakita na may nagiisa at  
tanging mahalaga lamang, ano yun? 
Malinaw na ito ay ang Ebanghelyo.

Gayundin, mahalaga din para 
sa iba ang kapangyarihan. Bakit? 
Ito'y makapagbibigay sa tao ng katiyakan dito sa lupa, 
sa paanong paraan? 
Kapag ikaw ay may kapangyarihan
magagawa mo ano man ang iyong maibigan. 
Kaya nga makakakita tayo ng mga pulitiko
gumagastos ng milyon o bilyon 
para lamang magkaroon nito sa larangan ng pulitika. 
Magtataka ka sapagkat hindi naman 
milyon ang sahod ng pulitiko ngunit 
ito'y pinaguubusan nila ng milyong 
pera manalo lamang sa eleksyon, 
upang magkaroon ng posisyon sa lipunan, 
ano ibig sabihin niyan? 
Malinaw na malaki ang "value" ng 
kapangyarihan sa pamantayan ng sanlibutan.

Gayundin sa iba mahalaga ang kayamanan
Ano pa ang masasabi tungkol dito? 
Ang tao ay nagpapagal sapagkat gusto 
niyang magkamit ng kayamanan dito sa lupa. 
May mga nagpapatayan makamit lang ang yaman dito sa lupa. 
May iba naman na gagawin magkaroon lang nang kayamanan. 
Ngunit ito ay hindi maituturing na nagiisang mahalaga ng Biblia
Ang nagiisang mahalaga lamang ay ang Ebanghelyo.

Mahalaga na subaybayan natin ang pagaaral ng Ebanghelyo 
sapagkat nakasalalay dito ang ating kaluluwa. 
Ito ay buhay at kamatayan. 
Palagi natin naririnig na magkamali na sa 
ibang bagay huwag lamang sa Ebanghelyo. 
Mahalaga din na makita, na kung ang isang tao 
ay wala sa Ebanghelyo, ikaw ay napapahamak. Mark 16:15-16.

Ating abangan ang susunod na pagaaral sa 23 Lesson sa TULIP...











No comments:

Post a Comment